Palakad-lakad si Andy sa loob ng ceo's office, may pag-alala ito bagaman hindi n'ya lubusang naintindihan ang sitwasyon. Kanina ay tinext s'ya ng kanyang amo, sinabi nito na kapag natapos ang tatlumpung minuto nang hindi ito nagte-text o tumatawag sa kanya ay pagdalhan na raw n'ya ito ngy tulong. Base sa kanya hinuha ay parang nasa panganib ito. Sampung minuto na ang nakalilipas magbuhat nang mag-text si Nigel sa kanya, kaya may bente minutos pa. Panay ang tingin niya sa wall clock at tila nakabantay s'ya sa bawat pag galaw ng malaking kamay nito, ngunit dahil sa kakabantay n'ya ay parang ang tagal tuloy tumakbo ng oras. Nagkaroon tuloy siya ng udyok na gawin na ang dapat niyang gawin kahit hindi pa dapat Nang sampung minuto na lamang ang natitira ay tumawag na sa police headquarters si Andy, ibinigay n'ya ang eksaktong address saka s'ya nagpunta mag-isa.Pagdating ni Andy ay naroon na ang mga pulis. "Sir, ako po ang kumontak sa inyo. Tulungan n'yo po ako, baka kung napapano na po a
Terakhir Diperbarui : 2025-06-03 Baca selengkapnya