Nang makapasok ng building ay inayos-ayos muna ni Nathalie ang sarili; bahagya niyang hinatak pababa ang kanyang skirt at inayos-ayos ang kanyang buhok bago lumapit sa receptionist. "Excuse me, I'm here to see the Ceo.""Wait lang po ma'am, i-che-check ko lang po kung may appointment kayo, ano po ang buong pangalan n'yo?" Matapos suriin ang kanyang listahan ay: "Pasensya na po ma'am, wala po pala kayong schedule."Natigilan si Nathalie. "Wala? Paanong wala, e kagabi lang ang sabi n'ya sa akin ay pumunta ako dito ng kahit na anong oras?"Hindi sumagot ang receptionist ngunit tiningnan nito si Nathalie nang may bahagyang pagdududa.Nakita ito ni Nathalie kaya nahimas n'ya ang sariling noo. "Miss, alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo, pero maniwala ka, may usapan talaga kami ng boss mo. Baka naman puwedeng papasukin mo na ako.""Pasensya na talaga ma'am, labag po kasi yun sa policy naming mga receptionist e, kapag pinagbigyan ko kayo, ako naman po ang mananagot."Walang nagawa ang
Last Updated : 2025-05-06 Read more