CHAPTER 392“Wag naman. Sige na nga. Payag na ako pero sa susunod pa ang simula ha. Ibig sabihin next week ay ako pa rin ang gagastos at sa susunod na linggo naman ay ikaw. Okay na ba yun?” sagot naman ni Jefftey dahil wala na yata talaga siyang magagawa pa sa gustong mangyari ng dalaga.“At talagang humirit ka pa ha,” naiiling pa na sabi ni Rose. “Sige, payag na ako,” pagpapatuloy pa niya.Agad naman na napangiti si Jeffrey dahil akala niya ay hindi pa rin papayag ang dalaga. Nahihiya kasi talaga siya na pagastusin ang dalaga dahil siya ang lalaki at dapat na sumasagot sa gastos nila kapag lumalabas lalo na at siya rin ang nag aya.Matapos ang usapin nila na iyon ay tuluyan ng nagkasundo ang dalawa at in-enjoy na nila ang view sa kanilang paligid. At nang makarating ang kanilang sinasakyan sa tuktok ay talaga namang lalo silang namangha sa ganda ng lugar.“Jeffrey, salamat nga pala sa pag aaya mo sa akin na lumabas ngayon araw. Sobrang nag enjoy talaga ako,” sabi ni Rose sa binata.“
Last Updated : 2025-09-20 Read more