CHAPTER 385“Sige. Pagbibigyan kita ngayon,” sagot ni Rose. “Pero sa susunod ay ayaw ko na nag uusap tayo ng tungkol dito sa oras ng trabaho. Sana ay nagkakaintindihan tayo, Jeffrey,” pagpapatuloy pa niya.Agad naman na napangiti si Jeffrey at halos walang paglagyan ang saya na nararamdaman niya ngayon dahil akala niya ay hihindi ang dalaga sa kanyang alok.“Talaga!? Maraming salamat, Rose. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon,” sabi ni Jeffrey. “Wag kang mag alala dahil hindi naman kita kukulitin kapag oras ng trabaho,” dagdag pa nito.“Wag ka na ngang maingay r’yan. Baka mamaya may makakita pa sa atin dito. Sige na bumalik ka na sa pwesto mo,” sabi naman ni Rose at nahihiya talaga siya dahil baka may makakita sa kanila na ganoon mag usap.“Sige, babalik na ako sa aking pwesto. Maraming salamat ulit,” sagot ni Jeffrey.“Message mo na lang ako kung saan tayo magkikita bukas,” sabi pa ni Rose. “Ayaw mo ba na sunduin na lamang kita bukas?” tanong naman ni Jeffrey.Hindi nama
최신 업데이트 : 2025-09-18 더 보기