CHAPTER 399“Y-yes dad. Okay na po. N-naipaliwanag ko na po ang lahat ng mga kailangang gawin ng papalit sa akin,” mahinang sagot ni Rose sa kanyang ama.“Dad? T-tatay mo si Mr. Buenaventura, Ms. Rose?” tila hindi makapaniwala na tanong ni Jane.Pilit naman na ngumiti si Rose kay Jane at saka siya dahan dahan na tumango pero hindi na siya nagsalita pa.Gulat na gulat naman si Jane sa pagtango na iyon ni Rose dahil hindi niya akalain na isa pala itong anak ng mayamang negosyante.“Mabuti naman kung ganon. Ang mabuti pa ay umalis na tayo dahil excited na ang mommy mo sa muling pagbabalik mo sa mansyon,” nakangiti pa na sabi ni Gerome.“Tito, baka po pwedeng madalaw po namin ng aking asawa si Rose sa inyong mansyon. Naging malapit na rin po kasi si Rose sa aking asawa at mga anak. Kaya po baka naman po pwede namin siyang mabisita kahit minsan lang po,” pahabol pa na sabi ni Harold sa ama ni Rose.Napatingin naman si Gerome sa kanyang anak na si Rose at kitang kita niya ang lungkot sa muk
Last Updated : 2025-09-23 Read more