CHAPTER 377“Ha!? G-ganon ba? Pasensya na hindi ko alam,” sagot ni Rose at bigla tuloy siyang nahiya rito dahil imbes na ito ang magbakasyon dahil bagong kasal pa lang ang mga itp ay siya pa pala ang napasarap ang bakasyon. “Hayaan mo at babawi na lamang ako,” dagdag pa niya.“It’s okay, Rose. Naayos na rin naman ang naging problema sa kumpanya. At isa pa ay balak na lang namin ni Jillian na mangibang bansa next month dahil kailangan pa rin ayusin ang mga papeles nila ng mga bata,” sagot naman ni Harold. “Nga pala, kumusta ka naman? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong pa niya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rose at saka siya pilit na ngumiti kay Harold.“Okay naman ako. Nakapag relax naman ako kahit papano at nagkaroon ako ng peace of mind,” sagot naman ni Rose.Dahan dahan naman na tumango si Harold dahil sa naging sagot na iyon ng kanyang kaibigan.“Mabuti naman kung ganon. Siguro naman ay nakapag isip isip ka na rin ng maayos ngayon,” sagot naman ni Har
Last Updated : 2025-09-15 Read more