Share

CHAPTER 401

Penulis: Anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-23 14:29:30

CHAPTER 401

NapabuntOng hininga na lamang talaga si Jane dahil alam niya na sobrang masasaktan si Jeffrey kapag nalaman nito na umalis na si Rose. Kaya naman ngayon pa lang ay nag iisip na siya ng magandang paraan kung paano niya ito sasabihin sa kanyang kapatid.

Matapos nilang mag usap na dalawa ay bumalik na rin naman si Harold sa kanyang opisina at sinabihan na lang din niya si Jane na magsabi agad sa kanya kung kailangan na nito ng tulong. Samantalang si Jane naman ay agad na rin na sinimulan ang mga trabaho na naiwan ni Rose dahil wala rin namang ibang gagawa noon kundi siya lang din naman.

**************

Samantala naman habang nakasakay si Rose sa sasakyan ng kanyang ama pauwi sa kanilang mansyon ay nanatili lamang siyang walang imik dahil talagang mabigat sa loob niya ang pag alis ng biglaan sa kumpanya ni Harold. At bukod pa roon ay talagang nalulungkot siya dahil sa isipin na bigla na lamang niyang iniwan si Jeffrey at ni hindi man lang siya nakapagpaalam dito kahit saglit.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 425

    CHAPTER 425“Magtatapos naman po ako ng aking pag aaral at bukod po sa ate ko ay ginagawa ko rin po talagang inspirasyon si Rose. Alam ko po na wala pa po akong napapatunayan sa buhay pero handa po akong magsikap para sa amin ni Rose. Willing naman din po akong maghintay kung kelan ako sasagutin ni Rose. Basta ang masasabi ko lang po ngayon ay mahal na mahal ko po ang inying anak at wala po akong intensyin na masama sa kanya,” sagot naman ni Jeffrey.Nanatili naman na tikom ang mga kasama niya roon at hinayaan na lang din siya nito na makausap ang ina ng dalaga.“Paano kung sabihin ko sa’yo na ayoko sa’yo. Anong gagawin mo?” tanong pa ni Anna at talagang sinusubukan lamang dun niya ang binata.Napabuntong hininga na lamang talaga si Jeffrey dahil alam naman niya na hindi madaling mapapayag ang mga magulang ni Rose na tanggapin siya.Nagulat naman si Anna at maging ang tatlo pang naroon ng biglang lumuhod sa harapan ni Anna ang binata.“Handa po akong maghintay kung kelan nyo po akong

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 424

    CHAPTER 424“Alam ko naman po na hindi kayo kaagad magtitiwala sa akin pero naiintindihan ko naman po iyon. Alam ko naman po na gusto nyo rin pong protektahan ang inyong kapatid kaya ganyan po kayo ngayon. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na maganda po ang intensyon ko kay Rose. Mahal na mahal ko po siya at handa ko pong gawin ang lahat para lang po mapatunayan ko sa inyo na maganda ang hangarin ko sa inyong kapatid. Maaaring hindi nga po ako kasing yaman ninyo at hindi ko maipapangako ang marangyang buhay para sa kanya pero isa lang po ang masasabi ko at yun ay gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para po mabigyan ko ng magandang buhay si Rose at magsisikap po talaga ako para sa kanya,” sinsero naman na sabi ni Jeffrey sa mga kapatid ni Rose.Nagkatinginan naman sila Ricky at Renz dahil sa sinabi na iyon ng binata at talagang napahanga rin sila dito dahil hinarap sila nito at nagtapat sa kanila ng nararamdaman nito para kay Rose.“Ngayon lang po ako nagmahal at alam po yan ng

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 423

    CHAPTER 423Mabilis naman na lumipas ang mga araw at nanatili lamang muna sa bahay nila Harold ang mag inang Anna at Rose. Pumapasok pa rin naman sa kanyang opisina si Anna at sa tuwing pinupuntahan siya ng kanyang asawa sa kanyang opisina ay nananatiling tikom lang ang kanyang bibig at hindi niya kunakausap man lang ito dahil gusto talaga niyang marealize nito ang kamalian na ginawa nito.Habang si Rose naman ay nanatili na lang muna sa bahay nila Harold at hindi na muna nila ito pinapalabas dahil baka makita pa ito ng ama nito. Kaya minabuti nila na doon na lang muna ito kasama ni Jillia at ng kambal. Wala naman ding problema sa kanila ang pag stay ng mag ina roon dahil mas gusto pa nga nilang mag asawa na marami sila sa bahay para masaya.Samantala ang mga kapatid naman ni Rose na sila Ricky at Renz ay pasimple naman na pumupunta sa bahay nila Harold upang bisitahin ang kanilang ina at kapatid.Ngayon nga ay araw ng linggo at dahil wala naman silang lahat na pasok sa opisina ay n

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 422

    CHAPTER 422Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga kapatid ni Rose at laking pasalamat talaga ng dalaga dahil natigil na ang usapin nila Harold at ng kanyang ina tungkol kay Jeffrey.“Mabuti naman at narito na kayo. Kumusta sa mansyon?” agad naman na tanong ni Anna sa kanyang mga anak.“Pinatapos na po dad ang party at nagkulong na lang din po si dad sa kwarto ninyo. Hindi na lang din po namin siya pinakialaman pa dahil panigurado na mainit na naman ang ulo nya at ayaw naman po namin na mapagbuntunan ng kanyang galit,” sagot ni Ricky sa kanyang ina.“Kayo po mom.. kumusta kayo ni Rose? Okay lang po ba kayo?” tanong naman ni Renz.“Ayos lang naman kami at salamat na lang talaga dahil nariyan si Harold at ang kanyang pamilya,” sagot ni Anna.Napatingin naman sila Ricky at Renz sa gawi nila Harold at Jillian.“Salamat nga pala sa inyo. Pasensya na kayo dahil kayo pa ang naabala namin. Kayo lang din kasi ang mapagkakatiwalaan namin pagdating kay Rose,” sabi ni Ricky sa mag asawa.“A

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 421

    CHAPTER 421Ilang saglit pa nga ay nakarating na rin sila sa bahay nila Harold at namangha naman si Anna dahil napakaganda ng bahay ng mga ito at napakasimple pa.“Infairness sa bahay ninyo… ang ganda ha. Hindi man siya mataas na bahay pero napakalawak naman dito,” sabi ni Anna pagkapasok niya sa loob ng bahay nila Harold.“Sinadya po talaga namin na walang taas ang aming bahay pero pinalawak na lamang po namin. May sakit po kasi sa puso ang asawa at byenan ko at kung magpapataas pa po ako ng bahay ay baka mapagod lamang po sila sa pag akyat baba sa hagdan,” sagot naman ni Harold.Namangha naman si Anna sa sinabi na iyon ni Harold dahil may dahilan pala talaga kung bakit hindi mataas ang bahay ng nga ito.Naupo naman na muna sila sa sala ng bahay nila Harold at nagpahanda na rin muna si Harold sa kanilang kasambahay ng maaari nilang kainin doon. Habang si Jillian ay nagpaalam na muna dahil patutulugin na nito ang kambal. At sila Jane naman ay umuwi na muna sa kanilang bahay dahil nahi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 420

    CHAPTER 420Paglabas nila Anna sa kanilang mansyon ay nagulat pa silang mag ina dahil may nakaabang na kaagad na sasakyan sa kanila roon. “Sumakay na kayo mom. Sila Harold yan sinabihan ko sila na isakay na muna kayo ni Rose para hindi kayo masundan ni dad,” sabi ni Ricky sa kanilang ina dahil kita nila ang pag aalangan sa mukha nito na sumakay doon. “Wag po kayong mag alala dahil susunod na lamang po kami ni Renz doon mamaya,” dagdag pa niya.Nagulat naman si Rose sa sinabi na iyon ng kanyang kapatid at para bang bigla siyang kinabahan dahil baka may alam na ang mga ito lalo na at kasama ni Harold si Jeffrey.“Sige. Mag iingat kayo at wag nyo na munang sasabihin sa daddy nyo kung saan kami pupunta ni Rose,” sagot ni Anna at saka niya hinila si Rose pasakay sa loob ng sasakyan ni Harold.Pagkasakay na pagkasakay nila Anna at Rose sa loob ng sasakyan ni Harold ay agad na itong pinaandar ni Harold.“Kumusta na po tita?” sabi ni Harold sa ina ni Rose dahil ngayon lang niya ito muling na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status