CHAPTER 458 “Pasensya na po. Baka po may mga ginagawa pa kayo ngayon,” hinging paumanhin ng binata. “Ayos lang naman hijo. Minsan lamang naman ito kaya hindi naman masama na pagbigyan namin si Rose,” sagot ni Anna. “Nasaan nga pala sila Harold? Hindi ba sila pupunta ngayon?” tanong pa niya ng hindi niya makita si Harold. “May kailangan pa po kasing daluhan na mahalagang meeting si Harold kaya susunod na lamang po sila ng kanyang pamilya rito,” sagot ni Jeffrey. “Bago ko nga po pala makalimutan. Tita, tito eto nga po pala ang ate Jane ko,” pagpapakilala ng binata sa kanyang kapatid. “Ate, mga magulang ni Rose,” baling naman niya sa kanyang kapatid. “Magandang hapon po,” bati ni Jane sa magulang ni Rose at saka niya inilahad ang kamay nya sa mga ito. “Magandang hapon din hija. Binabati rin kita dahil napagtapos mo ang iyong kapatid. Naikwento ka na kasi niya sa amin at nabanggit nga niya na ikaw lang ang mag isang nagtaguyod sa inyong dalawa. Kaya dapat lang na batiin din kita ngay
Last Updated : 2025-10-16 Read more