CHAPTER 436“Anna!” sigaw ni Gerome.“Mom!” sigaw din naman ni Rose na gulat na gulat sa mga nangyari.Agad naman na binuhat ni Gerome ang kanyang asawa at agad pa niya itong iniharap sa kanya dahil hindi ito gumagalaw man lang at laking gulat nila na wala na pala itong malay habang may dugo ng tumatagas sa ulo nito kaya naman parang biglang nanlambot si Gerome sa kanyang nakita.“Anna please gumising ka. Wag kang matulog,” puno ng pag aalala na sabi ni Gerome sa kanyang asawa na wala ng malay.“Mom, gumising ka please. Mom,” umiiyak naman na sabi ni Rose habang yinuyugyog niya ang balikat nito pero nanatil8 pa rin itong walang malay.“Ang mabuti pa ay dalhin na natin si tita sa ospital,” sabi ni Jeffrey.Napansin naman ni Jeffrey na para bang hindi makagalaw ang ama ni Rose dahil sa pagkabigla kaya naman linapitan na niya ito.“Sir, dalhin na po natin siya sa ospital dahil baka kung ano pa po ang mangyari sa kanya,” sabi ni Jeffrey sa ama ni Rose.Pinakatitigan naman ni Gerome ang la
Last Updated : 2025-10-06 Read more