CHAPTER 475Huminga naman ng malalim si Jeffrey para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa totoo lang ay kanina pa talaga siya kinakabahan.“Oo nga pala. Pinapaayos ko na rin yung mga kailangan mo mamaya at syempre mauuna ang proposal mo bago ang dinner. Ilang minuto na lang din ay pwede ka ng lumabas kaya mag ayos ka na rin ng iyong sarili. Babalikan na lamang kita mamaya. Sadyang sinilip lang kita dahil baka kung ano na ang ginagawa mo rito,” sabi pa ni Harold.“Salamat talaga ha. Salamat sa tulong mo. Sobra sobra na talaga ang pasasalamat ko sa’yo, Harold,” sabi ni Jeffrey kay Harold at tila ba nakahinga na siya ng maluwag dahil tinutulungan talaga siya ni Harold sa kanyang plano.“Tsk. Wala yun. Parang kapatid ko na iyang si Rose kaya wala akong ibang hangad kundi ang lumigaya siya. At kung sa’yo siya liligaya ay sino ba naman ako para hindi tumulong sa’yo. Kaya good luck mamaya ha,” sagot ni Harold at saka siya naglakad papunta sa may pinto ng naturang silid.“Relax ka lang, Jef
Huling Na-update : 2025-10-24 Magbasa pa