CHAPTER 441At dahil sa kanilang pagsasagutan na mag ama ay nakakaagaw na talaga sila ng atensyon sa loob ng ER kaya naman linapitan na sila ng security guard ng naturang ospital.“Excuse me po sir. Kung maaari lamang po ay sa labas na lamang po kayo mag usap dahil nakakaabala na po kayo sa iba pang mga pasyente na nagpapahinga rito sa ER,” magalang naman na sabi ng guard sa mag ama.Napabuntong hininga naman si Ricky at saka niya tinalikuran ang kanyang ama dahil kahit na anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi ng kanilang ina.“Sige po sir. Pasensya na po,” sabat na ni Renz ng tumalikod na ang kanyang kuya Ricky.Agad naman na umalis ang guard kaya naman tumingin si Renz sa kanilang ama.“Dad, please. Wag po tayong mag away away dito. Iisa lang naman po ang gusto nating mangyari ngayon at yun ay ang magising na si mommy at maging ayos ang kanyang lagay. Kaya please po pabayaan nyo na po muna kami rito para hindi na po magkagulo pa,” pakiusap na ni Renz sa kanilang ama dahil alam
Last Updated : 2025-10-08 Read more