( Emeryn’s POV )Mula sa pansamantalang katahimikan ng buhay namin sa Japan ay hindi ko inaasahan na muli na namang bubungad ang anino ng nakaraan.Akala ko ay sapat na ang distansiya, ang pagiging malayo ko sa bansang kinalakihan upang maputol ang lahat naranasan kong pagdurusa, sakit at takot. lNgunit ngayong kaharap ko si Zairus habang magkahalo halo ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha ay alam kong hindi ganoon kadali ang lahat.Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon ng inuupahan naming bahay. Maliit lang ito, ngunit malinis at maaliwalas at may dalawang kwarto, bale kwarto namin ni Zairah at kwarto ni Zyrus. Tahimik lang ang anak ko nakaupo sa gilid habang naglalaro ng maliit na stuffed toy na binili sa kanya ni Zairus. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa amin, nakikinig sa usapan kahit pa wala siyang gaanong naiintindihan sa bigat ng mga salitang bininitawan namin sa leggwahing Filipino. Ngunit gayun paman ay dama ko na pilit niyang inuunawa ito.“Emeryn,” Bungad ni Zairus
Huling Na-update : 2025-08-26 Magbasa pa