Mataas na ang araw nang marinig ko ang tunog ng gulong ng isang mamahaling kotse sa harap ng resort. Kasalukuyan akong nasa balkonahe ng villa, nakaupo sa silyang kawayan at hawak-hawak ang tasa ng kapeng halos lumamig na. Wala naman talaga akong ganang uminom, pero para bang may gusto lang akong gawin para kahit papaano ay makalimutan ang nararamdaman ko na kagabi pa hindi mawala wala.Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng kotse. Bumaba ang isang nakapamilyar na babae, nakasuot ito ng pulang bestida, sexy at hapit na hapit sa katawan ang suot nito. Matangkad, maputi, at sumisigaw ng karangyaan ang awra. Iyong tipo ng awra na ganitong ganito na nung unang araw na makilala ko siya.Paano ko nga ba makakalimutan ang araw na iyon? Ang araw na pinahiya ako nito at hinamak sa isang high end na department store pero si Dreymon ang naging tagapagtanggol ko.Pero ngayon, tila ba kay bilis nagbago ng panahon at sa isang iglap lang ay silang dalawa na ang magkaramay at magkakampi sa pang aa
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya