( Dreymon’s POV ) MAKALIPAS ANG TATLONG TAON Tatlong taon. Tatlong taon na mula nang huli kong makita si Emeryn. May mga panahon pa rin na minsan pakiramdam ko ay parang panaginip lang lahat ng nangyari. Ang biglaan niyang pagkawala, ang walang katapusang paghahanap, at ang mga gabing ako’y nawalan ng tulog sa pag-iisip kung saan siya dinala ng kapalaran. Na sa kabila ng galit ko sa ginawa niyang kasinungalingan at sa paglason kay granny ay umaasa pa rin ako na mahanap siya, na muling pagtagpuin ang mga landas namin. Ganoon na kahaba ang panahong iginugol ko ngunit wala pa rin akong anumang lead. Kaya maging ang kayamanan ko ay parang wala na ring naging kwenta pa. At ang sakit na naiwan, ang pangungulila na sa aking puso araw-araw, iyon ang nagpapaalala sa akin na hindi lamang bangungot ang lahat. Totoo. Lahat ng iyon ay totoong nangyari. Kasalukuyan akong makatayo ngayon sa terrace ng rest house ni granny. Tahimik ang paligid, maliban sa tawa ng isang bata na naglalaro sa d
Huling Na-update : 2025-08-26 Magbasa pa