Kinaumagahan, nakatayo si Gainne sa labas ng warehouse, hinihintay ang pagdating ni Crisostomo. Nang dumating ito, tumayo ito sa harapan niya."Nandito na ako, boss, anong sinabi mo kagabi?" tanong ni Crisostomo."Disposahin mo ang lahat ng nasa loob ng warehouse, Cris," utos ni Gainne."Talagang gusto mong makipag-away sa iyong ama, boss...?" sarsaktikong sabi ni Crisostomo."Sundin mo nalang ako, Crisostomo," ani Gainne. " Dispose everything inside the warehouse."Napakamot ng ulo si Crisostomo."At pagkatapos—""Ano bang ginawa sa iyo ni boss-ma'am para magbago ka ng ganito, boss? Mula nang makipag-date ka sa kanya, parang ibang tao ka na. May pinakain ba siya sa iyo?""Ano bang sinasabi mo? Sundin mo nalang ako."Umalis si Gainne roon. Dumeretso siya sa kwarto niya kung saan niya iniwan si Mahalia na natutulog. Naabutan na ito rito na nakaupo sa gitna ng kama. Nilapitan niya ito at umupo sa gilid ng kinaruruonan nito."Saan ka galing, Gainne?" nanghihina nitong tanong."Sa baba, ki
Last Updated : 2025-04-22 Read more