PABAGSAK NA ISINARA ni Henry ang pinto ng kotse dahil sa inis niya. Agad niyang binalingan si Liam na nasa harap ng sasakyan. “Gusto ko na i-cancel mo ang tseke na nakuha ni Kulas.” utos niya kaagad dito. Tiyak na kapag tumalbog ang tseke ay paniguradong lalapit at lalapit na naman si Estelle sa kaniya.Nitong mga nakaraang araw ay kung ano-ano ang ginawang pakulo ni Estelle ngunit hindi siya sobrang nagalit dito, pero ngayon ay galit na galit talaga siya.SAMANTALA, hindi na nag-aksaya pa si Estelle ng oras at inempake na niya ang mga gamit niya. Nakapag-book na rin siya ng flight niya. Pagdating niya sa airport at agad niyang pinutol ang kanyang sim at itinapon ang kanyang cellphone sa basurahan. Mula sa araw na iyon ay kakalimutan na niya na nagkakilala sila ni Henry at lahat ng alaala niya patungkol dito. Handa na niyang kalimutan ang lahat at mabuhay ng panibago.PINASUNDAN at pina-track ni Henry ang bawat galaw ni Estelle. “Sir, bumili po si Miss Estelle ng plane ticket patungon
Last Updated : 2025-05-12 Read more