WALANG EMOSYON NIYANG tiningnan si Henry. “Yan lang ba ang ipinunta mo rito?”“Wala na si Mia, kaya mo ba ginagawa ito? Ganyan ka na ba kadesperada? Kung gusto mo na magkaanak ulit at hindi mo matanggap ang pagkawala niya ay pwede pa naman ulit tayong gumawa ulit ng isa pa kung iyon talaga ang gusto mo.” nagtatagis ang bagang na sabi nito sa kaniya.“Bakit ka pa maghahanap ng iba kung iyon lang din naman ang gusto mo e pwede naman ako?” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.“Anong pinagsasasabi mo huh? Nababaliw ka na ba?” hindi makapaniwala niyang tanong dito. “Parang wala lang sayo ang pagkamatay ni Mia ah, ganyan ka ba talaga kalupit? Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan?”Tinanggal niya ang nakatusok ng swero sa kamay niya at tumayo pagkatapos ay sinampal ng malakas si Henry. “Hindi ko talaga maintindihan kung paano ako nahulog sa isang walang pusong kagaya mo!” galit na anas niya.Sa halip ay tumaas lang ang sulok ng labi nito at hindi inalintana ang pagsampal niya ng malakas dito.
Dernière mise à jour : 2025-05-23 Read More