ALYENA's POV"Alyena, tawagin mo na sa kwarto nila si ma'am Diandra, lalamig na ang pagkain, sabihin mo nakahanda na ang breakfast niya." Malumanay na sabi Manang Celia.Ngumiti ako, "Sige po, Manang. Pupuntahan ko na siya," nakangiting sabi ko. Tumango siya."WALANG GAGALAW!" nanlamig ang buong katawan ko nang umalingawngaw sa buong mansion ang boses ng isang lalaki kasabay no'n ang pagputok ng baril na nagpatili sa akin at pati na rin kay Manang."Nasaan si Diandra Hudson?!" galit na anang ng lalaking nakasuot ng itim at maskara. Nanginginig ang buong katawan ko habang bahagya akong napapaatras nang makitang nakatingin sa direksyon ko ang lalaking nakamaskara at nagsimulang maglakad.Sa likod niya ay may ilan pang mga armadong lalaking nakasuot din ng itim pero walang mga maskara. Sa dami nila at takot ko, hindi ko na nagawang mabilang kung ilan sila.Nanlambot ang mga hita ko ng maramdaman ang malamig na pader, wala na akong aatrasan. Papalapit na sa akin ang lalaking nakamaskara
Last Updated : 2025-08-01 Read more