I'm Carrying His Child

I'm Carrying His Child

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-07-27
Oleh:  johnreiBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
33 Peringkat. 33 Ulasan-ulasan
49Bab
9.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Diandra ay anak sa labas ng isa sa pinakamayaman at kilalang tao sa bansa. Sa kabila no'n, hindi siya namuhay ng mahirap— hanggang sa isang araw ay tumigil sa pagsusustento ang kaniyang ama sa hindi malamang dahilan. Kung kailan pa mas kailangan niya nang tulong dahil inatake sa puso ang kaniyang ina at kinakailangan niya ng higit isang milyon para maoperahan ito. Kaya nagdesisyon siyang puntahan ang ama para humingi ng tulong dito ngunit ipinagtabuyan lamang siya ng asawa nito at ng kaniyang kapatid. Hanggang sa in-offer-an siya ng kaniyang tiya na magtrabaho sa isang high-end club. Kung pagbabasehan ang panlabas na hitsura ni Diandra, aakalain mong isa siyang modelo. Makinis at maputi ang kutis, maganda ang hubog ng katawan, at tila dyosa sa inosente at maamong mukha. Tinanggap ni Diandra ang trabaho kapalit ng katawan at dignidad niya para sa kaniyang ina. Ngunit sa hindi inaasahan, ang lalaking nakakuha sa kaniya ay ang may-ari ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan. Si Hades Hudson, ang bilyonaryong kilala bilang malupit at walang-awang CEO pagdating sa business industry. At sa hindi inaasahan, siya ring fiancé ng kapatid niyang si Elle. Ano na ang gagawin ni Diandra ngayong nagbunga ang isang gabi nilang pagsasama?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Illegitimate Daughter

Nakaupo ako sa malamig na bench sa labas ng emergency room. My tears won't stop falling. Kahit pa maraming tao ang dumadaan sa hallway, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Pauwi palang ako galing sa aking internship nang tumawag si Auntie Marila. Inatake sa puso si Mama kaya they rushed her to the emergency room. The doctor has yet to examine her thoroughly. She's now stable but still unconscious.

"Sino po ang pamilya ng patient, Diana Alvarez?" the nurse's voice made me alert.

Agad akong lumapit sa kaniya, "A-ako po, kumusta po si mama?" nanginginig ang boses ko nang harapin ko ang nurse.

"Didiretsuhin na kita, hija. Malala ang kondisyon ng mama mo. Kailangan niya nang maoperahan kaagad," seryosong sabi niya.

"Malaking halaga ang kakailanganin... We will immediately perform the surgery if you already have the exact amount for her operation," she said directly. Nanuyo ang lalamunan ko.

"M-magkano po ba ang k-kailangan?"

"Seven hundred thousand," aniya.

Napaupo ako sa sahig. Saan ako kukuha ng gano'n alaking halaga?

Tumigil ako sa labas ng gate ng isang malaki at engrandeng mansyon.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" bahagya akong napaatras nang agresibong lumapit sa akin ang guard na nagbabantay sa gate.

"Walang inaasahang bisita ngayon ang mga Fuego, umalis kana," masungit na aniya ngunit hindi ako p'wedeng magpatinag. Ito na lamang ang natitirang paraan para maoperahan si Mama.

"Uhm... Nand'yan po ba si Mr. F-Fuego?" Kahit na may bahid ng takot sa boses ko, nilakasan ko ang loob kong harapin ang guardiya.

"Wala, umalis ka na, Miss."

"Kailangan ko lang po siyang makausap—" but before I could even finish my words, biglang bumukas ang gate.

"What's happening here?"

Elle. Wearing a fancy, lacey dress, my half-sister stepped in.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumabas ng gate.

"You! What are you doing here?!" she hissed while pointing at me. Mas nadagdagan pa ang kaba na nararamdaman ko.

My heart is pounding so hard. I looked wearily at my sister.

"Ang kapal naman ng mukha mong pumunta rito!" sigaw niya. Napaatras ako nang lumakad siya palapit sa akin.

"K-kailangan ko lang kausapin si D-daddy..."

"Daddy? Ha! Guard! Bakit hindi niyo pa paalisin ang pesteng 'yan?!"

"O-po, ma'am. Sorry po." Agad na lumapit sa akin ang gwardiya.

"Miss, umalis ka na!" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo sa gate. Pinilit kong pumiglas sa pagkakahawak niya.

My tears started to form silently on the side of my eyes. Pinilit kong huwag humikbi at umiyak.

"A-ate, please! Kailangan kong makausap si Dad!" desperadang pagmamakaawa ko.

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay may nauna na sa kaniya.

"Anong nangyayari rito?" kalmado ngunit maawtoridad na tanong ng ginang na lumabas sa mansyon.

Pakiramdam ko ay mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba.

Siya ang legal na asawa ni Daddy.

"Mom!" Elle looked at her mother.

Hindi niya pinansin si ate at nilagpasan lang siya papalapit sa akin. Hawak pa rin ako ng guard; gustuhin ko mang makawala, ngunit parang hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

She looks very intimidating. Sa sobrang kaba ko ay halos mamanhid na ako.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong niya.

Malamig niyang sinulyapan ang gwardiyang may hawak sa'kin, "Let her go," mariing sabi niya. Mabilis akong binitiwan ng gwardiya.

"Mom! Paalisin mo na siya!"

"Why are you here?" tanong niya ulit, hindi pinansin ang kaniyang anak.

"K-kailangan ko po m-makausap si D-dad..." Kahit na puno ng takot ang boses ko, nasabi ko pa rin ang dapat kong sabihin.

Walang ekspresyon ang mukha niya at malamig lamang akong tinititigan.

"Bakit? Anong kailangan mo sa asawa ko?" tanong niya.

"N-nasa hospital po si mama. W-wala na po akong ibang m-malalapitan..." nanginginig ang boses na sinabi ko. Nasa Europa ang mga magulang ni mama, wala rin akong koneksyon sa kanila dahil tinakwil na nila si mama nang sumama siya kay daddy.

"Oh? Is that her karma?" she scoffed.

"P-please, po, si d-daddy—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang isang malamig na palad ang lumagapak sa pisngi ko.

Halos mabingi ako sa sampal na iginawad sa akin ni Mrs. Fuego. Hawak-hawak ang aking pisngi ay hindi ako nakabawi.

"How dare you show yourself to us?" she fired.

Umiling ako nang mapagtanto ang katotohanan. Unti-unting bumuhos ang aking mga luha.

Kabit lang ni papa si mama. I'm so insensitive na nagpakita pa ako sa kanila. Dahil sa akin kaya nasira ang pamilya nila.

Pero bakit? Hindi ko naman ginusto na mangyari 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang kakailanganin sa operasyon ni mama.

Mrs. Fuego looked at me with disgust before settling her eyes on her daughter.

"Your fiancé is coming over. Fix yourself, honey," she said with her sweetest voice to her daughter before turning her gaze on me.

"Tsk!" Elle rolled her eyes at me before leaving back to their house.

"Lumayas ka na at 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa amin!" aniya ni Mrs. Fuego at saka ako tinalikuran para sumunod sa kaniyang anak.

"Umalis ka na, Miss." Lumapit sa akin ang guard, tila naawa sa akin kaya tinulungan akong tumayo.

"Kaya ko po." Kusa akong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Hindi na sana ako nagpunta pa rito sa simula pa lang.

"Anong na pala mo d'yan sa ama mo? Wala, 'di ba? Kung ako sayo, pumayag ka na sa trabahong inaalok ko sayo." Tumayo si Auntie Marila sa sofa.

"Magpahinga ka na muna. Kung magbago man ang isip mo, alam mo na kung saan mo ako makikita," sabi niya bago siya tuluyang umalis at iniwan akong mag-isa sa bahay namin.

This house is my dad's property. Kinailangan kong tanggalin ang nag-iisa naming kasambahay dahil mas kailangan namin ang nurse na kasama ni Mama ngayon sa hospital dito sa bahay, si Daddy ang nagpapasweldo sa kanila. Si Dad din ang nagbabayad nang lahat ng bills namin, even my school expenses, but last month, he stopped providing and giving money. Hindi ko na rin siya nakakausap. He used to visit me every week to check on me, but he's been absent for a month.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(33)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
33 Peringkat · 33 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
johnrei
Chapter 48 is up
2025-07-25 18:30:46
0
user avatar
johnrei
Thank you po!
2025-07-23 20:59:21
0
user avatar
johnrei
Thank you rin po sa support
2025-07-23 20:59:13
0
user avatar
johnrei
Thank you po sa paghihintay at pagbabasa
2025-07-23 20:58:56
0
user avatar
johnrei
Sorry po mabagal sa ngayon ang update
2025-07-23 20:58:38
0
user avatar
johnrei
CHAPTER 47 po Up na!
2025-07-23 20:58:22
0
user avatar
johnrei
*Chapter 46 is UP!
2025-07-22 00:22:49
1
user avatar
johnrei
CHAPTER 45 is up!
2025-07-22 00:22:22
0
user avatar
johnrei
Chapter 45 is Up!
2025-07-16 11:34:18
1
user avatar
johnrei
chapter 44 is Up!
2025-07-15 23:04:34
1
user avatar
SKYGOODNOVEL
more update please
2025-07-11 10:15:36
1
user avatar
johnrei
New Chapter is Up!
2025-07-09 22:24:12
1
user avatar
Nhing Nhing
recommended
2025-07-03 20:41:36
1
user avatar
johnrei
34 is up, mamaya po ang 35!
2025-07-02 09:57:58
1
user avatar
johnrei
May update na po!
2025-06-24 21:46:34
1
  • 1
  • 2
  • 3
49 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status