“So, Taylor, nasa kolehiyo ka na, tama? Anong kurso mo?” tanong ni Riley habang hinihintay ang kanilang pagkain.“Opo, Mrs. King, nag-aaral po ako ng Civil Engineering,” sagot ni Taylor. “Hindi po ako makatingin sa hagdan ng hindi ko po kinakalkula sa isip ko kung tama po ang pagkakagawa nito.”Natawa si Charles. Sinabi niya, “Naiimagine ko.”“Taylor, nakakatuwa kang bata ka,” kumento ni Riley.“Mrs. King, dapat po makita mo po ako kapag sinusubukan ko talaga,” sagot ni Taylor, lumapit siya ng kaunti at ngumiti. “Sa totoo lang po, kailangan ko po maging nakakatuwa. Ang parteng tall, dark ang handsome po ay nakuha na ng iba.”Natawa si Riley at Charles. Sinabi ni Riley, “Alam mo talaga magbiro, Taylor, pero matangkad ka, matangkad talaga.”“At guwapo,” Kumento ni Charles.“Salamat po. Utang ko po ito sa mga magulang ko,” sagot ni Taylor.Habang natutuwa si Riley at Charles kay Taylor, sumingkit ang mga mata ni Adrian King.Matangkad si Taylor at guwapo. Mayroon din siyang karis
Baca selengkapnya