"Wala pala po kayong Insta, sir?" gulat na tanong ni Tina."Yeah, and I need that to connect with a... potential client," pagsisinungaling niya rito. "Help me set up an account.""Sige po, sir. Madali lang naman, eh."Ibinigay niya sa babae ang cellphone niya at hinayaan itong kalikutin ito. Pinagmasdan niya lang ito at nakinig sa mga sinasabi nito. At matapos lang ang ilang minuto ay tapos na."Okay, now, tell me how I can add people to my account.""You mean following, sir?"Hindi niya alam ang ibig sabihin nito pero tumango pa rin siya. "Yes.""Ganito po..."Pinagmasdan niyang muli ang babae."Okay. Give me your account. I'll follow you," aniya, pero palusot niya lang iyon. Wala siyang interes sa buhay ni Tina, pero kailangan niyang magkunwari para hindi ito makahalata. "Give me Yvonne's account, too," pahabol niya.Tumango lang si Tina at inilagay ang username nito at username ni Yvonne."Thank you. Now, let me navigate this app on my own," pagtataboy niya rito para hindi nito mak
Last Updated : 2026-09-04 Read more