Inilibot ni Yvonne ang mga mata sa opisina ng kanyang Ninong Abraham. Malawak at malinis. Walang gaanong kagamitan sa paligid, at tanging isang mesa sa gitna na siyang mesa nito, at isang mesa sa gilid na mesa naman ng sekretarya."This is my office."Kulay puti at abo ang kabuuang kulay ng opisina. Puti ang pintura ng pader habang halos kulay abo naman ang mga kagamitan, lalo na ang furniture na ginamit."You don't have your own table yet," sambit nito. "Don't worry, I'll have it delivered before lunchtime. For now, you can sit on the couch or..." Lumapit ito sa kanya at bumulong, "...on my lap."Agad siyang namula sa sinabi nito.Napatingin siya sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanila. Mabuti na lang at silang dalawa pa lang ang naroon."N-Ninong, stop teasing me, will you?" nakangusong saway niya rito. "Paano na lang kung may makakita sa atin? Baka gawan tayo ng chismis.""Calm down, Yvonne. I can control my urges," paniniguro nito sa kanya. "I know we're the only ones here,
Last Updated : 2025-07-14 Read more