"Yvonne, ready na ako. Tara na!" salubong ni Charity sa kanya nang makabalik ito."Handang-handa na akong harapin ang cheater mong boyfriend at ang makati niyang best friend," dagdag pa nito at nameywang sa harapan niya."Should we... really approach them now?" aniya. Hindi niya rin kasi alam kung dapat niya bang kausapin ang lalaki sa estado niya ngayon. Alam niya sa sarili niyang wala siya sa tamang pag-iisip para maging rasyunal, lalo pa't may ibang bagay pang gumugulo sa isipan niya."Girl, kung hindi ngayon, kailan ka aaksyon?" Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan. "Kausapin mo hangga't fresh pa ang sugat para mas dama mo pa ang sakit. Para mas may galit. May gigil."Halos maggitgitan ang mga ngipin nito."Bakit naman parang mas gigil ka pa sa akin?""Aba, malamang!" Itinaas nito ang kamao sa ere. "That guy cheated on you. He hurt you. He hurt my dearest friend. Normal lang na magalit ako, no! At isa pa, ako na ang nagagalit at nanggigigil para sa 'yo dahil parang ang bait mo naman
Last Updated : 2025-06-07 Read more