-STEVE- "Ano'ng oras tayo mamaya?" Naaliw akong pagmasdan ang maamong mukha ng aking asawa. Kasalukuyang sumandal ito sa malapad kong dibdib. "Ikaw, anong oras ka available mamaya. Ikaw lang naman ang hinihintay ko." "How about 5PM?" "Alright," nakangiting sagot nito sa akin. Lihim na namang nagtatalon ang puso ko sa tuwa na may halong kaba. "Tulog na yata ang dalawang bubwit natin, ang mabuti pa ihahanda ko na ang dadalhing gamit para mamaya," ani nito sa akin. "Mabuti pa nga, baby girl. Tulungan na kita?" "Hmmm... ikaw ang bahala." Kinuha nito ang kulay pink na backpack para siguro lagyan ng ilang vitamins, diaper, gatas, bottle of milk and etc. para sa ilang gamit ng kambal. "Diyan mo ba ilalagay lahat ng mga kailanganin ng dalawang kambal?" tanong ko rito. "Oo, malaki ito kaya kasya lahat kasama ang ilang extra pang damit nila, at iba pa," nakangiting sagot nito sa akin. Bilib ako sa asawa ko dahil hands on ito sa mga anak namin na siyang hinahangaan ko rito. Ako na
Last Updated : 2025-07-17 Read more