"Kanina ka pa diyan nakatitig sa cellphone mo? Hulaan ko, hinihintay mong tawagan ka ni Zairah, ano? Ang tahimik niya ngayon... Hindi ka na niya ginugulo. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo, Bro?" tanong ni Roi. Inis na ibinalibag ni Ace ang cellphone sa sulok ng silid."Ewan ko. Bakit siya tumigil sa pangungulit sa akin? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kahit sa Bar, hindi ko na siya napapansin," mabigat ang mukhang sagot ni Ace kay Roi.Nagkibit-balikat si Roi, tumabi kay Ace, at umakbay sabay bulong, "Alam mo, Bro, matagal na tayong magkaibigan. Mula nang magsimula ka, magkasama na tayo. Kilalang-kilala na kita.""Yeah," maikling sagot ni Ace."Dahil mag-bestfriend tayo, ayaw kong maglihim sa 'yo." Napatingin si Ace kay Roi, nagkunot ang noo."Anong ibig mong sabihin?"Inalis ni Roi ang braso sa balikat ni Ace at lumayo. Kumuha ng alak at uminom. "Nalaman ko na ang flight ni Zairah papuntang abroad. Kung gusto mo siyang habulin at pigilan, susuportahan kita. Ano?""What?"
Terakhir Diperbarui : 2025-09-20 Baca selengkapnya