This chapter explores dark and heavy themes such as abuse, trauma, self-harm, depression, PTSD, anxiety, etc. Please be mindful of your well-being before proceeding.GINAWA NI AMBER ang lahat para manatiling maayos ang kanyang pag-iisip. Inaalala ang mga sandaling masaya ito mula bata hanggang sa pagtanda.Noong bata pa lang siya ay palagi niyang kasama ang kanyang Tita Eliza at makikigulo ito sa pagtatahin ng kanyang tiyahin, magpapaturo hanggang sa nahiligan na niya rin ang pagtatahi at minsa’y nangarap na maging fashion designer, kagaya nito.“Sana pala sumama na lang ako sa’yo, Tita…” wika nito sa kanyang sarili. Bigla siyang nalungkot dahil naalala niyang inaya siya ng kanyang tiyahin na sumama sa Milan at tumira kasama nito.Huminga siya ng malalim. “No bad memories, Amber.”Nang lumayas ito sa kanilang bahay ay siyang pagkupkop naman sa kanya ng kanyang Filipino teacher at patagong naglagay ng five thousand sa kanyang bag, natatakot na baka’y wala itong pantustos sa oras na uma
Last Updated : 2025-07-28 Read more