"Alessia, ikaw na ang maghatid nito sa VIP room," utos ng manager naming babae habang tinuturo ang tray ng mamahaling alak."Ha? P-pero ma'am... sabi nila halos mga lalaki ang naroon," nanginginig kong pagtutol, halos hindi ko maituloy ang sasabihin. "Lalaki na lang po ang utusan n'yo... iba na lang po ang ipagawa sa—"Naputol ang salita ko nang mapansin kong si Kairo ay panatag na ngungulangot sa sulok. Napangiwi ako. "Si Kairo na lang po, ma'am," turo ko sa kanya, kaya't napabalikwas siya at dali-daling pinunasan ang kamay sa apron. Nakakadiri."Ha! Ayoko! Nakakatakot sila!" sagot ni Kairo, halos manginig ang boses. "Balita ko... mga—""Alessia," singit ng manager namin, malamig ang tinig. "Ikaw ang inutusan. At para na rin makabawi ka sa mga gulo mong pinaggagagawa dito sa bar."Nakasalamin siya at palaging nakakunot ang noo, kaya kung suplada ang tawag ng iba—kulang pa ‘yon."Ma'am, 'nagagawa,' hindi 'ginawa,'" mahina kong tugon, pinilit ang respeto kahit pa kumukulo na ang dugo k
Last Updated : 2025-05-18 Read more