Ala-singko pa lamang ng umaga ay nakagayak na ako sa kusina. Suot-suot ko ang kulay asul na apron habang naghihiwa ng mga karne. Iluluto ko ang paboritong pagkain ni Mina, isa na rito ang nilaga. Mahilig siya sa sabaw kaya mainam na ito ang iluto kong almusal niya. Inihanda ko na ang mga gagamitin at ang ingredients. Sa isang malaking kaserola, naglagay ako ng dalawang litro ng tubig at inilagay ang isang kilong pork liempo. Pagkatapos ay nilagyan ko ito ng asin. Pakukuluan ko muna siya para lumambot. Kung si Mina, sabaw ang habol, ang mga kasama naman namin dito sa bahay ay paniguradong ang karne. Lalo na si Teru, maselan iyon. Kailangang malambot ang karne at hindi makunat, kung hindi ay hindi niya ito kakainin. Habang kumukulo, tinatanggal ko ang mga bula nito. Sabi ni Mama dati kailangan itong alisin dahil ito ang malansa at dumi. Napatigil ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumatamang hangin na mula sa kaserola o dahil sa naalala ko bigla si Mama kaya nag-iinit ang sulok ng
Dernière mise à jour : 2025-10-15 Read More