“Anong oras check up mo?” tanong ni Solene habang inaayos ang bag niya. “Mamaya pang ten,” sagot ko. Tumingin siya sa orasan niya. “I don't think I can come with you,” alanganin niyang sabi. “Okay lang. Clear naman ang schedule ni Hannah ngayon. Papa-drive na lang din kami kay Teru. Kapag hindi siya pumayag, guguluhin ko apartment niya,” natatawang sabi ko at tinulungan na siya sa pag-aayos. Sinundan ko siya hanggang makarating siya sa gate. “Id mo, a. Tsaka iyong papers.”“Yes, yes. I already have it. See ya!” Pagpasok ko sa loob ng bahay ay siya namang paglabas ni Hannah sa kwarto niya. Magulo ang buhok, may muta pa, at pipikit-pikit ang mata. Tumingin siya sa akin at humikab. “Kumain ka na ba?”Maaga kaming umalis ng bahay ni Hannah. Ni hindi na nakapagpasundo pa kay Teruya. Pinipilit niyang traffic daw dahil Miyerkules ngayon at bargain. Mabuti na lang at nandoon pa rin ang kotse ko sa garahe kaya malaya kaming nakaalis agad. Punong-puno ng mga tricycle at motor ang daan.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-27 Baca selengkapnya