“Sabi ko na nga ba at diyan ka lang nagtatago.”Napapikit ako ng mariin. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa pintuan. Ngunit hindi iyon bumukas. "Lois! Umaano ka na naman ba? Tara na!”Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Sumilip ako sa bintana sa maliit na butas, sapat na para makita ko sila at makapagtago ako. Tuluyan na nga silang lumabas at tumingala pa si Lucas at ang kasama niya. Nakahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang dumadausdos pababa sa pader. Nang marinig ko ang pagtunog ng makina at tuluyang pagkawala nito sa pandinig ko, agad kong pinuntahan si Teruya at pilit itong binuhat sa kama. Isang linggo na ang lumipas at hindi ko alam kung paanong buhay pa rin ako. Gabi-gabi ay may nakaipit na maliit na kutsilyo sa ilalim ng kutson ko, at baril sa loob ng unan ko na palagi kong yakap-yakap. Isang gabi umuwi si Lucas na nanginginig ang kamay, may ilang butil ng pawis sa noo, at hindi mapakali ang mga mata. Nagulat ako ng sa kwarto ko siya dumiretsyo ng wala manlang pas
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya