“Isang sugatan sa aksidente sa crossover sa Maynila ang nahuli sa cam sa pagsaksi ni Dona Reyes. Kitang-kita sa CCTV sa crossover ng Maynila kung gaano kabagal ang pagmaneho ng biktima, ngunit dahil sa hindi malamang dahilan, bigla na lang itong bumilis at dumiretsyo sa poste sa gilid ng kalsada. Kitang-kitang nabasag ang harapang parte ng sasakyan nito. Maya-maya lang ay may kumudlit na apoy, kasabay ng pagdating ng ambulansya. Kinikilalang si Tenor Chavez, kilala bilang isa sa tagapagmana ng kompanya, ang naturang biktima.”Nag-ring ang phone ko. Lumabas sa caller id ang pangalan ni Hannah. “Hello?” “Napanood mo na ba ang balita? Nadisgrasya daw ang Tito ni Lucas!” hysterical na sambit nito. “Oo, kakakita ko lang. Nakakagulat nga, e,” sagot ko naman.“Mag-iingat ka riyan. Nako. Uuwi ako sa katapusan. Hindi ako makauwi ngayon dahil marami pala akong hindi naasikaso dito. Hindi manlang nagsasabi sina Mama.”“Ayos lang. Huwag ka na ngang mag-alala. Hindi naman ako nag-iisa rito.”“K
Last Updated : 2025-06-12 Read more