NAGKATINGINAN ang lahat sa isa’t isa, tila may liwanag nang sumilay sa madilim na paligid na bumabalot sa pamilya nila Elorda. “Magpahinga ka na, Elorda,” malumanay na sabi ni Elina. “Bukas, maaga tayong aalis. Ayokong pagod ka na haharapin mo si Jav.” Tumango si Elorda, sabay yakap muli sa ina. Ramdam niya ang init at lakas mula sa yakap na iyon na para bang nagsasabing hindi siya nag-iisa sa laban na ito. “Ate, anuman ang mangyari, kakampi mo ako. Kung sakaling masaktan ka ulit, nandito ako. Kami nina Itay, Inay at Erros," sabat ni Elaine. Napangiti si Elorda, hinaplos ang pisngi ng kapatid. “Salamat, Elaine. Sapat na na naririnig kong sinasabi mo ’yan.” Nagpatuloy ang gabi sa tahimik na paghahanda. Habang ang lahat ay abala, si Elorda nama’y nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang litrato nilang mag-asawa. Pinagmasdan niya ang ngiti ni Jav sa larawan, at sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mga araw ng sakit, nagdasal siya nang taimtim. “Panginoon, bigyan N’yo po ako ng lakas
Last Updated : 2025-09-14 Read more