"HI, Jav. Matagal kang nawala, ah. Buti na lang, alam ko na ang pasikot-sikot dito sa kompanya," sabi ni Dindi nang makapasok sa loob ng opisina ni Jav. Saka, walang pasabi na umupo sa upuang nasa harapan ng mesa nito. Napatigil si Jav sa kanyang ginagawa at tinapunan ng blangkong tingin si Dindi. Napasandal siya sa kanyang swivel chair at naka-crossed arms. "That's good. Para naman may oras ako para sa pamily ko. You are one of the shareholders of JE. Kaya natural lang na sa'yo ibigay ang pamamahala sa tuwing wala ako," sarkastikong sagot niya. Napaangat ng kilay si Dindi, saka ngumiti ng mapait, parang hindi alintana ang sinabi ni Jav. “Uy, huwag ka namang masyadong seryoso, Jav. Wala naman akong ibang hangad kundi ang makatulong sa’yo. Lalo na’t ikaw na ang CEO ng JE.” Hindi gumalaw ang ekspresyon ni Jav, nanatiling malamig ang mga mata. “Kung tutulong ka, gawin mo nang tama. Huwag yung parang ipinapamukha mo sa akin ang ginagawa mo para sa sarili kong kumpanya. Baka na
Last Updated : 2025-09-19 Read more