GABI-GABI na lasing si Jav. Nagpapakalunod sa alak dahil sa kanyang paghihinakit. Isang linggo na ang nakalipas, simula noong umalis ang kanyang mag-iina sa kanilang tahanan. Nawalan na siya ng ganang mabuhay. Pati ang kompanya ay napapabayaan na niya. "Hindi ka pa rin tapos sa iniinom mo, Jav? Mukhang lasing ka na, ah. Sisirain ng alak ang atay mo. Pero hindi mo pa rin makikita ang asawa't mga anak mo," sermon ni Patrick sa kaibigan. Umiral na naman ang pagiging doktor nito. "Kung ikaw, nawala sa'yo si Tess... anong gagawin mo?" Napaisip pa si Patrick sa naging tanong ng kaibigan niya. Napakamot ng kanyang ulo nang mapagtanto na parang may mali. "Sino ba sa atin ang may problema? 'Wag mong idamay ang relasyon ko sa'yo." “Hindi kita dinadamay, Patrick. Ang punto ko lang, kung ikaw ang nawalan, maiintindihan mo ’yung sakit na pinagdadaanan ko ngayon,” mariing sagot ni Jav, sabay lagok muli sa hawak na bote. Napailing si Patrick at inagaw ang alak mula sa kanya. “Tama na, Jav. Hind
Terakhir Diperbarui : 2025-08-30 Baca selengkapnya