NAGTITILIAN ang mga babaeng nurse habang naglalakad sina Jav, Lindrick, at Kevin sa hallway ng ospital. Kilalang-kilala sila sa ospital dahil isang doktor si Patrick Ross, isa sa mga kaibigan ni Jav. Para silang mga artista kung tingnan, lahat ay guwapo, matangkad, at may kanya-kanyang karismang kayang pasiglahin ang kahit na sinong babae. Iba-iba man ang aura, iisa ang epekto nila, kinikilig ang bawat babae kapag sila’y sabay-sabay na magkakasama. Agad na napakunot ang noo ni Patrick nang bumungad sa kanya ang tatlo sa pintuan ng kanyang opisina. "Oh, andito kayong lahat. Hindi man lang kayo nagpasabi na dadalaw kayo sa ospital. Kaya pala naririnig ko na parang may rally sa hallway,” natatawang wika niya habang papalapit. Inabot niya ang kamay ng bawat isa, at isa-isang nag-fist bump. Kanya-kanyang upo sina Jav, Kevin, at Lindrick sa mahabang sopa sa loob ng opisina. Agad namang napansin ni Patrick ang masiglang aura ni Jav, na taliwas sa tahimik at seryoso nitong pag-uugali nito
Last Updated : 2025-06-04 Read more