Magkayakap sa ilalim ng iisang kumot sina Maxine at Jessica. Wala ni isa sa kanila ang nakatulog, at mahina lamang silang nagkukuwentuhan.“Maxine,” wika ni Jessica. “Nakilala mo na ba ‘yong ganoong klase ng lalaki?”“Ano'ng klaseng lalaki?” tanong ni Maxine, bahagyang itinaas ang kanyang ulo.Sa isip ni Jessica, sumulpot ang imahe ng isang lalaking maiksi ang buhok at may maamo, at gwapong mukha.“‘Yong tipo na malamig, misteryoso, at sobrang galing lumaban, parang nakakatakot minsan…”Napatingin si Maxine sa itim na baseball jacket na nakasabit sa sabitan ng mga damit. Kanina, suot iyon ni Jessica, pero maingat niya iyong isinabit pagkatapos hubarin. Malinaw na iyon ang jacket ng lalaking nagligtas kay Jessica.Kaya naman ay ngumisi si Maxine, at sinabi, “Ang tinutukoy mo ba ay si Raven, ‘yong campus heartthrob?”Tumango si Jessica, saka sinabi, “Oo, siya nga.”Kumindat si Maxine, tila mapanukso nang marinig ang sagot ni Jessica. “Balak mo bang suklian ng katawan ang utang
Read more