At dahil sa binitawang salita ni Maxine, biglang nanigas sa kanyang kinatatayuan si Jared sa gulat.“Maxine, paano mo nalaman na ayaw ng diyosa ko ng pulang rosas?”“Mr. Montelban, huwag mong pakinggan ang mga kalokohan ni Maxine. Naiinggit lang ’yan dahil nakuha ng henyo ang atensyon mo at gusto niyang sirain ang plano mo,” sabat ni Marivic.Nagtaas naman ng dalawang kilay si Jared at mataman na tinitigan si Maxine.“Maxine, mas mabuti pang huwag mong sirain ito para sa 'kin. Formal ko nang liligawan ang diyosa ko!” banta ni Jared.Natatawa na lamang si Maxine sa kanyang narinig. Bahagyang kumurba ang mapupula niyang labi habang tinitingnan si Jared, sabay iling ng ilang sandali.“Kung gano'n, good luck na lang sa ’yo, Jared,” aniya sa lalaki.Napailing na lamang si Jared, halatang naiinis sa ikinilos ni Maxine.Samantala, ayaw naman ni Monica na mapunta nang buo ang atensyon sa henyong babae na 'yon, kaya patuloy niyang nilalait si Maxine nang palihim.“Shawn, pumunta si Max
Read more