MasukSi Jessica ay patuloy pa ring dumaranas nang matinding morning sickness matapos niyang mabuntis. Sa pagkakataong ito, mas lalo pang sumama ang kanyang pakiramdam nang masuka siya ng maasim na likido. Ang bigla at matinding hilo at pagsusuka ay tila humigop ng lakas niya, hanggang sa mamula at mamasa ang kanyang mga mata sa luha ng hindi komportableng pakiramdam.Dahan-dahan niyang binuksan ang gripo at hinugasan ang kanyang mukha gamit ang malamig na tubig, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit kahit ang lamig ng tubig ay hindi tuluyang nakapagpawi sa bigat na nararamdaman niya sa katawan.Sa sandaling iyon, may boses na biglang sumulpot sa kanyang likuran.“Hello, Sister Jessica.”Bahagyang natigilan si Jessica. Mabilis niyang itinuwid ang sarili at pinunasan ang mukha bago lumingon.“Hello. Pupunta ka ba rito sa restroom?”Ngumiti si Ericka, tila may halong hiya at pananabik sa mga mata.“Sister Jessica, kakilala mo po ba ang kuya ni Thalia?”Sa tanong na iyon, bahagyang
“Pipiliin ang hipag at itatapon ang kuya?”Natigilan si Craige habang kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Sandaling bumigat ang katahimikan sa kusina.'Sino ba talaga ang kapatid dito?' Tiningnan niya si Thalia nang bahagya, halatang hindi makapaniwala. “Paano kung wala naman akong ginawang mali? Paano kung si Sister Jessica mo ang nagkamali?”Agad namang sumimangot si Thalia na para bang imposible ang sinabi niya. “Paano mangyayari ’yon? Si Sister Jessica ko ay palaging tama!”Napangisi na lamang si Craige, halatang wala nang maikakaso pa sa sariling kapatid. Sa loob-loob niya, tila malinaw na malinaw na talagang si Jessica ang paborito nito, walang labis at walang kulang.“Kuya, bahala ka na. Bilisan mo at suyuin mo na si Sister Jessica.”Pagkasabi no'n, tumalikod na si Thalia at bumalik sa kanyang silid, na parang tapos na ang usapan.Naiwan naman si Craige sa kusina, nakatitig sa mga pinggang hawak niya.Natulala siya bigal. Para bang mas mabigat pa ang mga ito kaysa
“Sige! Alam ko talaga na si Sister Jessica ang pinaka-nagmamahal sa akin.”Masayang sinabi iyon ni Thalia.Tahimik naman na kinuha ni Jessica ang kanyang mangkok at marahang inilagay sa ibabaw ng mesa. “Mr. Montero, kumain na tayo ng almusal.”Natapos ang pagkain sa isang atmosperang hindi maipaliwanag. Hindi naman ganap na malamig, pero may kakaibang bigat na hindi alam kung saan nanggagaling. Para bang may mga salitang gustong lumabas pero pinipigilan lamang.Tumayo si Jessica matapos ang ilang sandali at mahinahong nagsalita.“Mr. Montero, ako na ang maghuhugas ng pinggan.”Kahit hindi siya marunong magluto, kaya pa rin niyang gawin ang simpleng gawain tulad ng paghuhugas ng pinggan. At dahil mananatili siya roon, ayaw niyang maging isang taong walang naitutulong.Inabot niya ang mga mangkok at kubyertos, ngunit bago pa man niya ito tuluyang makuha, biglang hinawakan ni Craige ang kanyang manipis na pulsuhan at pinigilan siya.“Ako na.”Sa biglaang pagdikit ng kanilang mg
Labis ang pagkapahiya ni Jessica. Hindi niya talaga iyon sinasadya. Sa totoo lang, gusto niyang umiwas kay Craige, pero kung paano ay nauwi pa siya sa pagbagsak mismo sa mga bisig nito.At sa sandaling iyon, pagtingin niya sa napakaguwapong mukha ng lalaki, biglang sumagi sa kanyang isip ang mga alaala ng nakaraang gabi, kung paano siya nito pinigilan sa ilalim, kung paano siya hinalikan, at kung paano nito tinawag ang pangalan ng ibang babae.Alicia.Parang may matalim na bagay na muling sumaksak sa kanyang dibdib.Agad na bumalik ang ulirat ni Jessica. Mabilis niyang inabot ang kamay at tinulak si Craige palayo, umatras pa siya ng dalawang hakbang na para bang takot na muling magdikit ang kanilang mga katawan.“P-Pasensya na…” nauutal niyang sabi, hindi magawang salubungin ang tingin nito.Tinitigan siya ni Craige. Ang namumulang mukha niya. Ang bakas ng pagkalito sa kanyang mga mata. Ilang sandali, bahagyang umangat ang sulok ng labi nito. Isang ngiting mababaw, halos hindi ha
Namumula ang magandang mukha ni Jessica habang mabigat pa rin ang kanyang paghinga, tila hindi pa tuluyang humuhupa ang init ng nakaraang sandali.“Craige…”Sa paos at halos pabulong na tinig, may isa pang pangalan ang marahang nabanggit mula sa bibig ng lalaki.“Alicia…”Para bang huminto ang mundo ni Jessica sa pag-ikot. Si Alicia ang tinawag nito.Parang isang malamig na tubig na ibinuhos mula ulo hanggang paa, agad na nanlamig ang buong katawan ni Jessica. Ang init na kanina ay bumabalot sa kanya, biglang napalitan nang matinding lamig na tila dumurog sa kanyang dibdib.'Kaya pala. Si Alicia ang akala niya. Si Alicia ang nasa isip niya...' ani Jessica sa sarili.Nanatili siyang nakatayo, hindi makagalaw, habang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga tanong na walang kasagutan.'Akala ba niya si Alicia ang nasalo niya? Kaya ba ganoon na lamang ang pagiging malapit namin ngayon?' aniya pa. Sa isipa pa niya, hindi ba’t sinabi ni Alicia na malapit na silang ikasal
Hindi inaasahan ni Jessica na magpapalipas ng gabi si Craige roon.Pagkalabas nito, muling binalot ng katahimikan ang buong paligid ng silid.Tahimik na umupo si Jessica sa kama. Kinuha niya ang isang preserved plum mula sa bag at inilagay sa kanyang bibig. Agad kumalat ang matamis na maasim nitong lasa sa kanyang dila, na nakapagtatakang kahit papaano, nabawasan nito ang tila bumabaliktad na pakiramdam sa kanyang sikmura.Marahan niyang hinawakan ang kanyang patag na tiyan, at sa kanyang isip ay mahina siyang bumulong.“Baby, si daddy ang bumili nito para sa atin...”Isang mahinang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, ngunit mabilis ding naglaho.Humiga siyang muli, ngunit kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.'Nasaan kaya siya natutulog ngayon? Sa guest room ba? O…'Hindi niya napigilan ang sarili. Dahan-dahan siyang bumangon, nagkunwaring iinom ng tubig, at tahimik na lumabas ng kwarto.Tahimik lamang ang buong bahay. Ngunit hindi
Tinawag ng lalaki ang pangalan niya. At sa sandaling iyon, marahas na hinila ni Maxine ang isang hibla ng sarili niyang buhok at sa wakas ay nakawala na siya.Umupo siya nang maayos saka nagtanong, “Ano'ng nangyari?”“Sinadya mo bang gawin ‘yon?” tanong ni Shawn habang nakatitig sa kanya nang matama
Nanlaki ang mga mata ni Elias dahil sa kanyang narinig, at mgayon niya lang tuluyang naintindihan. Simula pa nang makalabas siya ng kulungan, si Maxine ang unang nakaalam, at matagal na pala siyang hinihintay nito.Pinaniwalaan ng lahat na hinding-hindi na niya babanggitin ang madilim na nakaraan n
Nang bigla niyang masambit ang salitang mommy, labis ang pasasalamat ni Shawn na siya lang ang nakarinig nito. Sa isip niya, wala ba siyang pakialam sa dignidad niya?Kailanman sa buong buhay niya, hindi pa siya gumawa nang ganoon. Mabuti na lang at kumalma si Maxine sa mga salitang ‘narito lang si
“Ibinenta ko ang lahat na meron ako, pati ang mga kaldero at kawali para lang maipadala siya sa paaralan. Ibinuhos ko ang lahat upang maipadala siya sa malaking siyudad. Pero ngayon, hindi na niya ako kinikilala. Nahihiya na siya sa akin at gusto niya akong palayasin pabalik sa probinsya…”Habang u






