Makalipas ang siyam na buwan nanganak si Haisley ng kambal, isang babae at isang lalaki. Pinangalan niya itong Nieves at Hailey. Labis ang tuwa ni Neus nang makita ang magandang anak na si Hailey at poging anak na si Nieves. "Pag nakalabas ka na ng Ospital, mag pahinga ka ng ayos sa bahay." saad ni Neus na sinang ayunan naman ni Haisley. "Oo, napakacute nila no?" tanong ng babae sa asawa. Marahang tumango si Neus at buong pagmamahal na pinakatitigan ang kambal."Palalakihin natin sila ng maayos at busog sa pagmamahal." saad ng lalaki sa babae. Sinang ayunan naman iyon ni Haisley at matamis na ngumiti.Inasikaso niya ang pagkain ng asawa, magana namang kumain si Haisley ng take out food na dala ni Neus. Pagkatapos kumain nag pahinga lang siya saglit at pinadede na ang kambal."Buti nakaya mo ang ganyan karaming iluwal?""Oo, iniisip ko na lang na gusto kong mailabas sila ng safe para mabuo ang pamilya natin. Kahit mahirap at sobrang sakit." humalik sa noo ni Haisley ang asawa."Thank
Terakhir Diperbarui : 2025-11-03 Baca selengkapnya