LOGINNang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
View More“Bili na po kayo ng gulay! Murang-mura at sariwa pa!” sigaw ni Hope habang naglalako ng gulay. Lumapit naman si Elyze, ang nakababatang kapatid nito. Maraming tao sa kalyeng iyon kaya naman maraming suki ang lumalapit kay Hope.
“Ate!” “Oh, Elyze? Ikaw pala? Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ni Hope. Sabay lingon sa mga nabili para asikasuhin ang mga ito. “Ate, hayaan mong tulungan kita. Halos ikaw na lahat ang nagsakripisyo para lang maibigay lahat ng pangangailangan ko.” Malamlam ang mga matang nakatingin kay Hope si Elyze. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Hope dala ang planggana at nag-alok sa mga tao. “Hindi na.. Alam kong wala na tayong magulang kaya ako na lang ang meron ka. Kaya pa naman ni ate, isa pa kung iniisip mo pa rin ang tungkol sa pagtigil ko sa pag-aaral para sayo. Sarili kong kagustuhan iyon, Elyze bilang ate mo,” nakangiting tugon ni Hope at umalis. Makalipas ang isang oras nang hapon na iyon, nakarating siya sa kanila at inabot kay Elyze ang pasalubong niyang meryenda. “Heto ang meryenda mo, Elyze. Kumain ka na ng kamoteng kahoy,” nakangiting alok ni Hope. Tuwang-tuwa naman si Elyze habang tinatanggap ang pasalubong. Bakas sa muka ng dalaga ang labis na kaligayahan habang tinutulungan ang kaniyang ate na ibaba ang plangganang wala ng laman. “Thank you, ate ko! Talagang mahal na mahal mo ako ah?” magiliw na tugon ni Elyze. Niyakap naman siya ni Hope at marahan itong tumango. “Dahil ikaw na lang ang meron ako. Kaya gagawin ni ate ang lahat para sayo, Kapatid,” nakangiting sagot ni Hope. Sabay silang kumain ng meryenda at nagpahinga. Samantala, natanggap naman si Elyze sa trabaho sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Renz. Ito ang lagi niyang kasama sa loob at sa trabaho. Hanggang sa isang hapon, umuwi sila ng sabay galing trabaho. Gaya ng nakagawian hinatid ni Renz si Elyze sa bahay nila. Sobrang tahimik ng lugar. Kaya hindi nila akalain na may iba pang tao bukod sa kanila. "Maraming salamat, Renz. Ingat ka pauwi.." saad ni Elyze habang nakangiti. Tumango naman si Renz at dismayadong tumalikod dahil sa tinagal-tagal na nilang mag kasintahan. Ni hindi man lang nag-aabot si Elyze ng pang-gas. Nasanay ito na lagi siyang libre. "Okay.. Goodnight.. Siya nga pala, baka bukas mag-commute na lang ako. Wala na akong pang-gas," sagot naman ni Renz. Supladong tinalikuran ng binata ang nobya. "Sorry, wala na akong pang-budget sa gas. Sobrang dami naming gastusin, nag bayad kami ni ate sa tubig at kuryente dahil mapuputulan kami. Tapos, nagbayad na rin sa tindahan dahil naniningil na si Aling Maria. Baka hindi na kami makautang ulit? Bawi ako sa sunod pag nakaluwag.." paliwanag ni Elyze bakas sa muka nito ang hiya. “Sige..” tumango naman si Renz. Paalis na sana ito nang matanaw ni Elyze si Hope na nakahandusay sa sahig at walang malay. “Renz! Si Ate!” sabay turo ni Elyze sa nakahandusay niyang Ate Hope. Nakaramdam ng takot si Elyze nang daluhan niya ang ate niya. "Ate! Gising! Gumising ka, Ate Hope! Anong n-nangyari sayo?!" kinakabahang tanong ng dalaga. Saka siya bumaling kay Renz. “Renz! Magmadali ka! Dalhin natin si Ate sa Hospital!” natatarantang sigaw ni Elyze at pilit binubuhat ang kapatid. Tinulungan naman siya ni Renz at ito ang kumarga sa ate ng nobya. "Anong nangyari, Elyze?" nakakunot noong tanong naman ni Renz. "Inatake ata ang ate ko ng asthma sa sobrang pagod?” sumakay agad sila sa tricycle at nagpahatid sa Hospital. Makalipas ang kalahating oras nakarating sila sa maingay sa Hospital at mataong lugar. Natatarantang kinuha ng mga nurse ang kapatid ni Elyze at isinugod ito sa emergency room. Halos mang lambot naman ang tuhod ni Elyze sa nerbiyos habang naghihintay sa labas ng ER. “Anong gagawin ko, Renz? Wala akong ibabayad,” umiiyak na tanong ni Elyze sobrang kinakabahan na talaga siya. Pakiramdam niya napakamalas niyang tao. Amoy niya naman ang kakaibang amoy ng ospital na mas lalong nakapagpahina ng mga tuhod niya kaya bahagya siyang napakapit sa pader habang umiiyak. “Humingi ka ng tulong sa mga kandidato, Elyze,” suhestiyon naman ni Renz dahil mag-e-election na. “Hindi ako tutulungan ng mga iyon,” sagot ni Elyze sa nababahalang boses. Sakto namang lumabas ang doctor at sinabing kailangang operahan si Hope dahil lumala ang sakit nito sa puso. “Ano?! P-Pero, Doc.. Wala po akong.. Renz, pahiramin mo muna ako..” desperadang saad ni Elyze habang umiiyak, galit na hinatak ni Renz ang nobya matapos magpaalam sa Doctor. “Nababaliw ka na ba, Elyze?! Anong akala mo sa akin, bangko? Wala na akong pera, ako na lang ba palagi huh?! Mahiya ka naman!” gigil na tugon ni Renz, halos mamula naman ang kamay ni Elyze sa higpit ng pagkakahawak ni Renz. Bahagya siyang napangiwi sa sakit. Binawi ni Elyze ang kamay niya at doon masamang tinitigan si Renz. “Mahiya? Akala ko ba hindi ako iba?” nasasaktang tanong ni Elyze. “Masyado ka na kasing pabigat, Elyze! Wala kang naitulong o naidulot na maganda sa akin! Mabuti pang maghiwalay na lang tayo!” salubong ang kilay na sagot ni Renz at walang alinlangang umalis. Hahabulin sana siya ni Elyze kaya tumakbo ito nang mabangga siya sa isang matigas na bagay. “A-Aray!” Halos malukot ang muka ng dalaga sa lakas ng pagkakatama niya roon. “Ayos ka lang ba, Miss Serrano?” narinig niya ang malamig na boses ng isang lalaki at nang mag-angat siya ng tingin. Tila na-starstruck si Elyze sa kakaibang kagwapuhan at karismang taglay ng kaniyang boss na si Oliverio, ang CEO ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Nakaramdam ng hiya si Elyze sa kaniyang pag-iitsura nang kaharapin ito. “S-Sir..” nag-aalangan niyang sagot. “Sorry, I accidentally heard what you and your ex-boyfriend talking about..” sagot agad ni Oliverio. Napahawak naman si Elyze sa laylayan ng kaniyang damit sa hiya. “S-Sir, masisi niyo ba ako? Kailangan ni ate maoperahan.. Kailangan ko ng pera..” matapang na sagot naman ni Elyze. “It happen to be, I need a contract wife and you urgently need money for your sister. Let’s help each other..” seryoso ang mukang tugon ni Oliverio, sumikdo naman ang puso ni Elyze at tila nabingi siya sa kaniyang narinig. “How?” kinakabahang tanong naman ni Elyze, tila naghaharumentado ang kaniyang puso sa sobrang kaba. “Marry me, Elyze..” seryosong sagot ni Oliverio.[Warning SPG]Kagagaling lang ni Valerian sa Underground Casino na hinahandle niya bilang Mafia Boss. Pagdating sa Mansion agad siyang sinalubong ni Hailey ng mainit na yakap. Bumilis tuloy ang tibok ng kaniyang puso."Finally, you're back. Ang tagal mong umuwi." nakasimangot na sabi ng kaniyang asawa."Sorry, naging busy. Kamusta kayo ng mga anak natin?""Ayos naman. Naglaro lang sila kanina after school tapos nag aral rin. Gumawa ng mga assignment bago nag pahinga. Kanina ka pa hinahanap. Alam mo namang maka-Daddy ang mga iyon." nag lakad sila ni Hailey paupo sa may sofa."As usual. Kumain ka na?""Hindi pa, kain na tayo? Hindi ka pa rin ba kumakain? Ako kasi inaantay kita.""Hindi pa. Tara." kinarga ni Valerian si Hailey at dinala sa kusina para kumain. Sabay silang naupo at tumawag ng kasambahay. Pinagsilbihan naman sila ng mga ito. Ganadong kumain ang dalawa at habang nakain nag pasya silang mag kuwentuhan."Miss ko na bonding natin. Kailan ka kaya magiging free?" tanong ni Haile
Makalipas ang pitong taon. Lumaking malusog, matalino, bibo at masayahin sila Zayn at Klaus. "Mom, kain na po kami." saad ni Zayn."Tara, anak. Sakto andyan na rin si Daddy niyo." nakangiting inalalayan ni Hailey ang kambal."Kain na tayo? Nagugutom na ba ang mga babies ko?" singit ni Valerian na kinatango ni Hailey."Oo, gutom na raw sila. Ang tagal mo." sagot ng babae."Sorry, naging busy. Pero ayos na ngayon. Tara na kumain, namiss ko na ang masarap mong luto." "Kain na." ipinagsandok ni Hailey ang mga bata saka si Valerian. Bago sila sabay kumain. Nag kuwentuhan lang silang apat habang nakain."Daddy, kailan ka po pupunta ng school?" tanong ni Klaus."Bakit, anak?" kunot noo namang tanong ni Valerian."Kasi, yung mga Mommies ng mga kaklase namin crush na crush ka." sagot ng bata. Napatingin naman si Valerian sa asawa.Biglang sumama ang timpla ng mood at aura ni Hailey sa narinig."Bakit? Wala ba silang guwapong asawa at asawa ko ang nakikita nila?" inis na singit nito."Pogi ra
[Warning SPG]Halos dalawang linggo bago tuluyang nakarecover si Valerian. Mabuti na lang at gumaling na ito dahil sobrang nag aalala si Hailey sa kaniyang asawa. Magkayakap silang naupo sa may Garden ng bago nilang Mansion at pinapanood ang kanilang mga anak na naglalaro sa damuhan."Anuman ang ginagawa mo, sana palagi mong piliing maging safe. Para sa amin. Wala akong magagawa, patigilin man kita alam kong hindi puwede dahil malaki ang responsibilidad mo at sangkot na rin naman kami kahit anong gawin. Tanggap ko na." Hinawakan ng lalaki ang kamay ng Misis saka marahan iyong hinaplos."Sorry, mahal na mahal kita kaya hindi ko hahayaang mag mangyari sayo na masama at sa mga anak natin.""Alam ko iyon, mahal na mahal rin kita kaya sana huwag mong pabayaan ang sarili mo. Piliin mong maging ligtas dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka. Kami ng mga anak mo.""Oo, makakaasa ka. Hindi." saka hinalikan ng lalaki ang kamay ng asawa.Sabay silang kumain ng umagahan matapos makipag laro sa
Kung kailan akala nila payapa na ang lahat saka naman nabaril si Valerian sa isang event. Duguan ito kaya labis ang takot na nararamdaman ni Hailey. Iniwan naman nila ang kanilang anak sa kaniyang Mommy at Daddy kaya safe ang mga iyon. Agad isinugod si Valerian sa Ospital."No! Magpagaling ka. Huwag mong hayaang maubusan ka ng dugo. Please!" halos mag unahan na ang luha sa mga mata ni Hailey habang papunta sila sa Ospital. Agad namang isinugod sa Emergency Room si Valerian at ginamot. Natagalan ang pag gamot sa kaniya dahil sa tama ng baril.Panay naman ang dasal ni Hailey."Lord, sana huwag mapahamak ang asawa ko. May mga maliit pa kaming anak. Mahal na mahal ko si Valerian." Alam kasi ni Hailey na nasa critical na kondisyon ang asawa dahil sa dibdib ito tinamaan. Makalipas ang ilang oras doon lang nakahinga si Hailey dahil ayos na si Valerian. Agad dinala sa VIP Room ang lalaki para makapag pahinga. Hindi naman umalis sa tabi nito si Hailey at mag damag na nagbantay. "Mag pagaling


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore