“Bili na po kayo ng gulay! Murang-mura at sariwa pa!” sigaw ni Hope habang naglalako ng gulay. Lumapit naman si Elyze, ang nakababatang kapatid nito. Maraming tao sa kalyeng iyon kaya naman maraming suki ang lumalapit kay Hope.“Ate!”“Oh, Elyze? Ikaw pala? Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ni Hope. Sabay lingon sa mga nabili para asikasuhin ang mga ito.“Ate, hayaan mong tulungan kita. Halos ikaw na lahat ang nagsakripisyo para lang maibigay lahat ng pangangailangan ko.” Malamlam ang mga matang nakatingin kay Hope si Elyze.Nagpatuloy lang sa paglalakad si Hope dala ang planggana at nag-alok sa mga tao. “Hindi na.. Alam kong wala na tayong magulang kaya ako na lang ang meron ka. Kaya pa naman ni ate, isa pa kung iniisip mo pa rin ang tungkol sa pagtigil ko sa pag-aaral para sayo. Sarili kong kagustuhan iyon, Elyze bilang ate mo,” nakangiting tugon ni Hope at umalis. Makalipas ang isang oras nang hapon na iyon, nakarating siya sa kanila at inabot kay Elyze ang pasalubong
Huling Na-update : 2025-05-28 Magbasa pa