Kinabukasan, kinausap ng tatay ni Zayn si Azalea. Napansin niya kasing tahimik ito at nakatulala.“Ayos ka lang ba, anak?” tanong ng Don. Tumingala naman ang dalaga dahil may katangkaran si Don Valerian.“Opo, Dad. Kinakabahan lang pero ayos naman po.” sagot ni Azalea habang nakangiti. Pinapagaan ang atmosphere.“Mas kinakabahan pa nga ako sayo, anak. Mamaya sa kalagitnaan ng kasal masuka ka or mahilo. Sa tinagal tagal niyo naman kasing nag iisa ni Zayn kung kelan ikakasal na kayo, ngayon ka lang nabuntis.” dugtong pa nito. Ngumiti lang ang dalaga. “Kaya nga po. Pero ayos lang. Blessings nga po ito. Nauna pa. Mahalaga ikakasal na ko sa lalaking mahal ko. Kahit ilang buwan pa lang ang baby sa tiyan ko. Maraming salamat po, Dad sa suporta niyo sa amin.. Kayo ni Mommy Hailey.. Sa inyo ko naramdaman yung pagmamahal ng magulang.” nakangiting sagot ni Azalea, masaya siya sa mga oras na iyon.“Walang problema iyon, anak. Siya maghanda kana at sumunod ka sa amin sa labas.” tugon ni Don Valer
최신 업데이트 : 2026-06-08 더 보기