-Alison-Napakaguwapo kasi niya. Ibang-iba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Guwapo din naman si Josh, pero wala akong nararamdaman sa kanya. Parang kapatid pa nga ang tingin ko sa kanya eh, kasi medyo boyish. Tapos ang gentle pa humalik, kainis. Akala naman niya virgin pa ako. Dapat torrid agad!Mabait din si Josh, pero ayoko sa lalaking mabait. Gusto ko sa lalaking suplado, tahimik, at seryoso. Seryoso sa buhay at matured.Kahit ayokong magpakasal kay Josh, pumayag na din ako dahil sa utos ni Beatrice. Naaawa ako sa kanya, pero mas naaawa ako sa sarili ko dahil umiibig ako sa isang lalaking may asawa. Asawa pa ng ate ko.Nang araw na iyon, hindi inutos sa akin ni Beatrice ang pagpunta ko sa Avery Group. Tinanong ko sa receptionist kung nasa office nito si Vaughn, pero paalis daw ito at nasa basement.Agad ko siyang pinuntahan. Gustong-gusto ko talaga siyang kausapin at sabihin na ang lahat-lahat dahil hindi ko na kaya. Gusto ko, ako lang ang mahalin ni Vaughn. Gusto kong mamuhi
Last Updated : 2025-07-17 Read more