-Bianca-“Pero ako po ang gusto niyang magpaligo sa kanya, ma’am.” nakatitig ako sa mga mata ni Beatrice. Gusto kong iparating dito na palaban din ako. Kung kanina ay kung ano-anong masasamang salita ang ibinato sa akin, at pinagbintangan pa akong babae ng asawa niya, ngayon ay hindi ako magpapaapi kung ang anak ko na ang pinag-uusapan.“And who are you tell me that?” galit na itinulak niya ako paalis. “Anak ko ‘yan, kaya ako ang mag-aasikaso sa kanya, not a stranger like you! Alis!” nang hindi ako tuminag ay siniko niya ako. “I said, get out!”‘Hoy! Hindi ako stranger! Ako ang tunay na nanay niyan!’ gustong-gusto kong isigaw sa pagmumukha niya pero hindi ko magawa. Tinignan ko na lamang si Justin, at blangko ang ekspresyon nito habang nakatingin sa amin.“Justin, okay lang ba na ang mommy mo na ang magpaligo sa’yo?” tanong ko sa kanya, at muli ay tinignan ako ng masama ni Beatrice. “Bianca, it’s okay.” napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Mr. Avery. “Let Beatric
Last Updated : 2025-06-29 Read more