-Bianca-Diyos ko, namukhaan niya ba ako? Nakilala niya na ba ako?Sana naman ay hindi. Ang layo kaya ng itsura namin.“What? She’s sister Bianca?” kunot-noong bulalas ni Vaughn. Hindi ko alam kung para sa akin, o tinatanong niya mismo ang sarili niya. “Kapatid ni Josh si sister Bianca?”“Sino po, sir?” maang-maangan kong tanong habang kagat-labing nakiusyoso sa cellphone niya.“Si sister Bianca!” Diyos ko, paulit-ulit! “Kapatid ni Josh si sister Bianca!” naiinis na isinuklay nito ang mga daliri sa naka-brush up na buhok, dahilan para maglaglagan ang ilang hibla sa noo niya. “The same sister I encountered in the convent, and the sister who took care of Justin!”“Such a small world sir, no?” napapangiwing komento ko, sabay kagat ng hintuturo. Small world talaga dahil ako lahat ang babaeng binanggit niya—kapatid ni Josh, sister na naencounter niya, at ang sister na nag-alaga kay Justin.Kulang pa nga. Ang sister na tunay na nanay ni Justin.“Yes.” sumang-ayon naman ito sa small world ko
Last Updated : 2025-07-09 Read more