-Bianca-“Dream on, ate!” natatawang sabi ni Josh. Wala talaga itong tiwala sa karisma ko.Well, hindi ko pa talaga lubos na kilala ang boss ko, at hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, lalo ngayon na nasa labas lang siya ng unit at minamanmanan kami. Ano kayang naisip ng mokong na iyon at sumunod pa dito.Pero kahit ganito ang itsura ko, mahuhulog siya sa akin. Dito ko mapapatunayan kung talagang hindi siya tumitingin sa pisikal na anyo. Kung sina Beatrice at Alison na magaganda at sexy ay hindi siya nabihag dahil hindi ito tumitingin sa panlabas, tignan natin sa akin. “Kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako, okay?” sabi ulit ni Josh at saka pinisil ang kaliwa kong pisngi. “Ang panget mo talaga! Nanggigigil ako sa’yo!”“Aray, ano ba!” tinampal ko ang kamay niya. “Umalis ka na nga. May pasok pa ako bukas.”“Pinapalayas mo na ako? Aalis na nga ako bukas papuntang Cebu, at hindi mo na ako makikita ng ilang buwan. Baka nga taon pa, tapos ngayon lang ulit ta
Last Updated : 2025-07-24 Read more