-Luke-“Let go of me, you fcking as$h0le!” malakas na sigaw ko sa mukha ni Dino, pero mas lalo lang humigpit ang kapit niya sa pulso ko. “Dino, huwag mong sasaktan ang anak ko.” nakikiusap na sabi ni mommy sa bago niyang asawa, at unti-unti ay lumuwag naman ang pagkakakapit ni Dino sa akin. Nakipagtitigan muna ako sa kanya, at kung hindi niya pa ako bibitawan ay talagang babasagin ko na ang mukha niya. Nang mabitawan niya ako, si mommy naman ang humawak sa mga kamay ko. “Luke anak, pagbigyan mo na kami, please. Kahit ngayong gabi lang. Last na ‘to, promise. Maubos lang namin itong mga tao ngayon, hindi na kami magtitinda, pangako. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon.”“No.” matigas ang naging pagtanggi ko. Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. This is theft! “Itigil mo na ‘to kung ayaw mong idemanda ko kayo ng asawa mo!”“Idemanda?” nanlalaki ang mga matang bulalas ng nanay ko. “Ipapakulong mo ang sarili mong ina? Kaya mong gawin sa akin ‘yan, Luke? Kaya mo?”“Why not?” I
Last Updated : 2026-01-21 Read more