-Bianca-Bago kami pumunta ni Vaughn sa Bali, namili muna ako ng mga gamit na dadalhin. Maleta, damit pang-summer, pangswimming, shoes and slippers, at siyempre, make-ups. Oo, bumili ako ng mga make-ups para sa pagkikita namin ni Mr. Ivanov.Pipirma ba naman sa kontrata si Mr. Ivanov kung ganito ang itsura ko? At saka kilala ko ang karakas ng mga katulad niya. He had a thing for gorgeous women, and this was my chance to take off my disguise. Hindi ako excited. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung mapagtatagumpayan ko ito.Alam kong sa pagpirma niya ng kontrata sa Dela Paz Manufacturing Company, hindi magiging top 1 ang Santos Group, pero hindi din maa-annul ang kasal ni Vaughn kay Beatrice.Saka ko na lang iisipin ‘yun kapag sure na ako na hindi nagtagumpay si Julio Santos. Noong nagpunta si Harvey sa office para sabihin sa akin na narinig niya si Ryan na isesend ang video kay Josh. What I said to Vaughn was true. Kumain talga kami ng lunch sa labas, pero hindi totoo na hindi na
Last Updated : 2025-07-30 Read more