THIRD PERSON P.O.VMATAPOS mag-ikot at suriin ng mag-iina ang restaurant ay umuwi na rin sila. Nakasunod pa rin ang dalawang bodyguard kay Ashly at inoobserbahan sila. Pagkauwi nila ay nadatnan nilang naghahanda na ng pagkain sa lamesa ang lolo at lola nito. Kaya tumulong na rin sina Ashly at Jay. Pagkatapos niyon ay nagsalo na rin ang lahat para kumain. Sa gitna ng pagsasalo at paguusap nila ay may kumuha ng atensyon ng lahat. Iyon ay ang tunog sa telepono ni Ashly na nasa kan'yang bulsa ng medyo maluwag na pantalon na suot."Excuse lang po, sagutin ko lang po itong tawag," magalang na paalam ni Ashly sa pamilya bago ito tumayo sa pagkaupo."Sige lang anak, no problem," turan ni Helena at simpleng ngumiti sa anak."Si Steve ba 'yan, apo?” tanong ni Lola Nora. Tumango naman ang dalaga. “Opo, lola.”“Pakisabi, salamat ng subra subra, ah. Ay, sandali, bakit hindi mo na lang pala imbitahin dito para makapagpasalamat kami ng maayos sa personal.""Maybe next time po, lola, nasa business t
Last Updated : 2025-07-08 Read more