• • •Pagtapos nilang kumain ay balik sa pag- aasikaso si Ashly sa papasok na trabaho na si Steve. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Steve gamit ang mamahaling kotse nito. Nang makaalis na ito ay agad na pumasok si Ashly sa loob ng mansyon at dumeritso sa kan'yang kwarto na hawak ang dibdib dahil hindi n’ya kinaya ang nangyari kanina. Maya maya pa ay nakita n'yang dumaan si Lance sa kwarto kung nasaan siya, nakabukas kasi ang pinto ng kwarto kaya napansin niya ito. Ang lubos na nagpaalala sa dalaga ay ang paika-ika ito kung lumakad. Tinawag n’ya agad si Lance at pinaupo sa gilid ng kan'yang kama."Lance, are you alright?" Hindi sinasadyang mahawakan ni Ashly ang may sugat na parte ng katawan ng binata— sa balikat nito. Napadaing si Lance sa sakit kung saan nabahala ang babae rito.“Anong nangyari sa 'yo? Patingin nga!" pilit na hinuhubad ng dalaga ang damit ni Lance upang makita kung may sugat o bugbog ba ito subalit pinipigilan naman ito ni Lance."Wala 'to, Ashly. Nabunggo l
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-04 อ่านเพิ่มเติม